I left my heart in Ibona
I left my heart
in Ibona
It’s
been a year since the last I opened my old account in a social media. I
scrolled up and there’s some post or photo that caught my attention and that
was my colleagues way back when I was Third Year High School (K-12 was
not yet implemented). That photo makes me realized something about myself, that
photo make me realized that I learned to be a strong independent person that
has a big dream to become someday. That photo questioned myself “Why am I still
discovering what I am in the future, while they are now successful in their own
life? Why?” that question hits me. Na para bang may mga bagay ba akong hindi
ginawa para makuha ko ang nais ko noon? Nakakatawa kasi kasing edad ko lang
sila pero parang pinag-iwanan ako ng panahon. Na para bang naging mahina ako,
kasi they are now successful, nakuha na nila ang mga gusto nilang makuha, may
mga naging Seaman na, naging Professional teacher, lawyer at iba pa.
samantalang ako. “patuloy parin sa
paghahanap ng kasagutan sa tanong na ano bang gusto ko? Saan nga ba ako
masaya?”. Don’t get me wrong masaya ako sa mga narating nila sinisisi ko lang
ang sarili ko, kasi sinayang ko ang oras ko noong panahon na gusto kong matupad
ang mga inaasam kung marating sa buhay. Mas pinili ko ang landas na nagpahirap
sa akin para ma-abot ang pangarap na nais ko. Na hanggang ngayon patuloy parin
ako sa pag diskubre sa aking kapalaran.
Way back when I was third year high
school may isang guro na naniwala sa aking kakayahan. And it was Mrs. Susan U.
Tabigne siya ang guro na nagbigay ng daan para subukan kung patunayan na kaya
kung makipagsabayan sa klase na kahit alam ko kung ano ang aking kakayahan. And
also, may mga tao parin na nakasama ko sa paglalakbay at pag-diskubre sa aking
sarili at sila ay sina Albert Barles, Richard Yambot, Angelo Roxas, Ederjayson
Cumilang, Marvin Flores, Jane Roque, Arriane Salamanque at iba pa marami sila
pero hindi ko na ma-alala ang mga pangalan nang iba in-short sila ang mga
klasmeyt ko under of Mrs. Susan U. Tabigne in Ibona National High School way
back then I don’t even remember the year. That time naranasan kung sumali sa
mga pa-contest na singing competition, Sabayang Pagbigkas, Intramurals Audition
for Badminton Player, Backyard Boy Scout Jamboree at higit sa lahat sila ang
nag-udyok sa aking subukang sumali sa COQC {cadet officer qualification course}
for CAT officer. At doon ko naman nakilala ang mga taong humubog sa aking
pagkatao at tumanggap sa kakayahan ko which is sina Sir Billy Jude Borreo, Mark
Jayson Marquez, Jefferson Dacuel at ibang opisyal ng CAT that time. Grabeng mga
pag-subok ang naranasan ko at napatunayan ko na kaya ko pala. They push me to
be who I am. And sobrang pasasalamat ko sa kanilang ambag sa buhay ko.
Hindi ko
rin makakalimutan na minsan nakaranas ako ng pag-hanga sa isang tao, naranasan
kung maging baliw sa harapan ng kanyang klasmeyt dahil sa pagtutukso nila sa
akin sa tuwing pumupunta ako sa kanilang room noon. Naranasan kung mahiya pag
nakikita ko siya sa harapan at napapadaan siya sa harap ng aming classroom.
Naranasan kung maging malandi sa tuwing naiisip ko siya. At higit sa lahat
naransan kung masaktan dahil hindi niya kayang I crush back ako dahil hindi daw
kami talo and also, he is a member of Iglesia ni Cristo. Basta marami akong
naranasan nang mga panahong iyon. And it was the first man that I fell inlove
and heartbreak named Ederson Cumilang at kapatid siya ng klasmeyt ko. Madami pa ang dumaan sa aking buhay may mga
taong nagparamdam ng sakit at kaligayahan. Sakit, sakit ang naramdaman ko sa
isang tao dahil sa kanya natuto akong umibig natuto akong mag-mahal ng kapwa ko
lalaki kahit alam kung bawal, lets call him Jairo (hindi niya tunay na
pangalan) I was third year by then while he is first year pero mas panganay nga
lang siya sa akin ng dalawa o tatlong taon, first time I saw him noong
kakarating ko lang sa barangay Ibona Dingalan, Aurora I don’t know kung
pamangkin siya ng kinakasama ng mama ko basta ang alam ko kilala siya ni mama
at ng kinakasama ng mama ko I was sevretly inlove with that guy not until I
found out that he is also a student in the school where I enter as first year
high school back then and nagkaroon ako nang lakas loob na umamin sa kanya
through letter back then kasi wala pa akong cellphone so I wrote a letter for
him to confess my real feeling about him. Hindi siya sumagot sa sulat na na
pinadala ko sa kanya not until naging malapit kami sa isa’t-isa. Naging
magka-ibigan at hindi nagtagal nahulog na talaga ang loob ko sa kanya. I know
naman na ako lang ang nagbibigay ng malisya sa kabutihan niya sa akin. Hanggang
sa dumating ang hindi ko inaasahan biglang nagbago ang pakikitungo niya sa
akin, yung tipong hindi na siya mahagilap sa tuwing kailangan ko ng kausap,
yung literal na nilayuan ako. Yung araw na pala yun niya nabasa ang sulat na
ginawa ko, sabi ng kapatid niya hindi niya ako kailanman magugustuhan dahil
straight siya which mean totoo naman yun. Ako lang pala ang umasa na balang
araw magugustuhan niya rin ako at mamahalin ako kung paano ko siya minahal pero
nagkamali pala ako. Sinaktan ko ang sarili ko sa pag-asang may nararamdaman din
siya sa akin dahil sa kanyang pakikitungo at kabaitan yun pala ay walang
malisya. That was my first heartbreak back then.
Para
maibsan ang sakit na dulot ng pagka-bigo ay nanatili akong nakipag-halobiro sa
mga klasmeyt ko at pinagpatuloy ang pag-hanga ko sa kapatid ng klasmeyt ko at
siyempre para maibsan Narin ang aking kalungkutan ay sa bawat anyaya ng aking
mga klasmeyt sa overnight o picnic ay pumapayag ako dahil ayaw kung maramdaman
na mag-isa ako ng mga araw na iyon. One-time Ederjayson and the rest of my
klasmeyt na lalake ay pumunta sila sa aming bahay gabi iyon at wala pa akong
kasama sa bahay na iyon dahil sina mama at ang kanyang kinakasama ay umuwing
Ilocos Norte at nagkayayaan sina Ederjayson at mga barkada niyang tumambay sa
bahay. Wala akong ka-alam- alam na may dala silang ipinagbabawal na CD
specially we are minor. On that day I
learned to watch manga porn just because of my klasmeyt back then. Sa limang
araw na wala akong kasama sa bahay natuto akong humithit ng sigarilyo, manood
ng porn at uminom ng alak in short na impluwensiyahan ako ng bisyo. Marami pa
ang nangyari sa buhay ko yung gusto lung kalimutan na ginagawa ko sa Ilocos
Norte ay muling naibalik sa lugar kung saan ako namalagi ng isang taon.
Sa
pamamalagi ko sa bayan na iyon maraming mga ala-ala ang masarap balikan at may
mga ala-alang ayaw ko nang balikan pero pilit parin bumabalik. Tulad nalamang
ng karanasan ko sa kapatid ng taong una kong minahal. Gabi iyon tumatambay ako
sa likod ng bahay kung saan may duyan na nakasabit, walang ilaw pawang dilim
ang nakikita, tanging ang kunting Liwanag ng buwan lamang ang naging ilaw ko ng
gabing iyon ng may isang anino ng tao ang lumapit sa aking kinaroonan. Isang
taong amoy alak na para bang katatapos lang nila uminom ng gabing iyon, ramdam ko ang kanyang
presensiya na para bang may gusting sabihin na hindi niya masabi bagkod gusto
niyang gawin sa akin. Hinayaan ko lang siya sapagkat kilala ko naman ang taong
iyon dahil alam ko na tatabi lamang siya sa kinauupuan kung duyan, ngunit mukhang
nagkamali ako ng tinuran dahil iba ang ginawa niya humarap siya sa akin na para
bang nagmamaka-awang lumuhod ako sa kanya at damhin ang kanyang hinaharap na
ayaw ko na sanang mangyari pa muli ang pagkakamaling nagawa ko noon. Na maaring
ikasira ng aking pagkatao lalo pa’t kapatid niya ang taong una kung minahal.
Ngunit pinaglaruan ako ng aking sarili hindi ko napigilan ang tukso ng
damdamin, mas nanaig ang aking pangangailangan sa aking katawan naganap ang
hindi dapat mangyari, wala na akong magawa Kundi ipaubaya ang aking sarili na
baka sakaling isang beses lang mang-yari ang mga bagay na iyon. Ngunit dinaya
ulit ako ng tadhana naulit hindi lang isang beses kung hindi ilang beses ang
mga kaganapang iyon. Nag nagdulot sa akin nang pang-didri sa aking sarili at sa
aking pagkatao. Nagpaubaya ako sa taong alam kung katawan lamang ang habol sa
akin. Hindi ang pagmamahal na nais ko.
Sa
pagkakataong nagaganap ang mga bagay na iyon mas lalo akong nalulong sa aking
bisyo na dumating sa punto na kahit pinagbabawal na sigarilyo ay aking ginawa.
At nagdulot ito ng matinding hindi pagkaka-unawaan sa pagitan naming mag-ina. Nanatiling
sikreto ang mga nangyari sa amin ng kapatid ng taong totoo kung minahal na hanggang
sa ngayon ay umaasa ako na muli kung makikita at makasama kahit panandalian,
ngunit binabato ako ng katotohanan na kailanman ay hindi na mangyayari iyon at
kung mangyari man iyon ay paniguradong may sarili na silang pamilya, samantalang
ako patuloy sa paghahanap ng kanilang bakas kung ano na ang kwentong nabuo nila
sa kanilang buhay.
Marami
man ang nagbago sa aking nakaraan, patuloy parin akong lalaban at patutunayan
sa aking sarili na balang araw maipapakita ko sa kanila na kahit pinag-iwanan
man ako ng panahon mararating at mararating ko parin ang akig pangarap sa
pamamagitan ng pagtitiwala sa aking sarili at pagpupursigi sa bawat hamon na
darating sa aking buhay na magpapabago sa aking hinaharap. Patuloy kung
alalahanin ang nakaraan na minsan nagbigay ng kalungkutan, pag-asa at pagmamahal
sa aking buhay. Gagawin kung insprasyon ang kanilang mga narating upang
ipagpatuloy ko ang aking buhay. I learned from them to be stronger and to be a
fighter individual. Kaya ano man ang mangyayari mananatili akong mangangarap na
balang araw makita at makasamang muli ang mga taong naging bahagi ng aking
buhay. At patuloy parin akong maghihintay ng tamang panahon na muli silang
mapasalamatan sa lahat ng kanilang ibinahagi sa aking buhay.
Comments
Post a Comment