Buhay Bahag-hari By: Mclane Kwang
BUHAY BAHAG-HARI By: Mclane Kwang Ako, walang alam gawin kundi ang umintindi sa sasabihin ng iba. Ako, sawang-sawa na sa mga panlalait nila. Ako, patuloy tinatanggap ang panghuhusga ng aking mga kapwa. Kaya ko pa bang magtiis sa mga pang aalipusta ng mga madla? Nakakainis man ngunit binabalewa nalang ang mga matang puno ng panghuhusga Nakakarindi man ngunit hinahayaan nalang ang mga bibig nilang mapanira. Hinahayaan ang mga taong walang ginawa kundi ang manghusga. Kaya ko pa bang magtiis sa pang aalipusta nila? Bahagi na ng buhay ang mga taong mapanghusga. Nakatingin sa bawat kung galaw, gabi man o umaga. Ang hirap ng kalagayan ko dahil kunting galaw lamang may mga mata, anumang oras pwedeng may sabibin. Mga nangyayari sa paligid ko, kaya pa bang tiisin? Maraming mga tanong ang patuloy na nagiging palaisipan. Na hindi kayang sagutin ng nino man. Dahil kahit saan ako lumingon may mga tao paring nakatitig at pag-uusapan kung ano ang nakikita nila. Mahi...